Add me on FB AND Odesk Profile »

Saturday, August 24, 2013

Pinoy Freelancing


May pera ba sa Internet?

Mag u umpisa ang lahat sa simpleng pangangailangan, nang mag simula akong mag pakabet ng internet connection ang daming not so good comment…  Kesyo…
“Lalaki lang expenses  natin nyan”
“mag do dota ka lang (adik kasi ako dati) at wala na tayong extrang pambayad sa installation ng internet”
Pero pina liwanag ko naman na ang purpose ko, is to have an online job. Eh medyo na inspire ako sa mga ka workmate ko na pinagsasabay ang day job and online job nila.
So talaga bang may pera or pwedeng maging  “other” source of income ang internet?
At eto ang sagot ng mga taong kumikita na sa freelancing, blogging, online business at ebooks .
“Oo” maaring kumita depende lang yan kung gaano ka ka determinado kumita.

Tama nga nama imbes na pa facebook … facebook ka lang at another source of expenses yang internet connection mo, bakit ndi mo pag kakitaan?

Wala namang requirements when it comes to having an online job. Students, Single moms, full time workers, out of school, gamer bsta lahat ng may available internet connection.

Isa sa mga babahagi ko ngayon sa inyo kung panu ako kumita as a “freelancer” in odesk.
Anu ba ang Odesk?

Para sa akin ito ay isang website na kung saan pinagtatagpo ang Client (a.k.a.  employer) at Contractor (employee) .  makakasigurado ka ng legitimate ang lhat ng transcation dito.. since nag start ako dito
Wala pa naman akong dispute or reklamo sa paying system nila.

Mas may advantage kung may set of skills ka na tulad ng… web developer, seo, content writer, good communication skills, etc..

Eh panu ung wala as in house wife lang at basic computer knowledge lang?
Don’t worry mas marami ang work para sa mga katulad natin! Uu nag umpisa din ako ng 0 as in zero skills.

Mag Umpisa na tayo.

You can sign up here “Odesk  by the way it’s a free registration!

It’s about a year, 5 months and 21 days since nung nag register ako as a contractor. Excited, energytic, passionate, looking forward and hardworking pero nawala lahat to’ oo! As in in just a few weeks. After signing up for my first account.

Eh kasi naman before reading the introduction and setting up a good profile ang ginawa ko agad is mag apply for every job post na makita ko, apply dito, doon and the next thing I know is receiving a non stop  email saying: “application declined”  I was down for a few weeks and thinking that this is not an easy world pala.

I was hoping to have an online job in just a week , but now it turns out na tama yata sabi ng asawa ko!
Mag babayad kami ng first month internet  fee connection na wala man lang nagyari sa mga sinabi ko na
Makaka kita ako ng online job, so I was disappointed and feeling down.

Na pa isip ako siguro nung night na yun on how to really really make an income out of this mess.
Bumalik ako sa pag I isip kung panu ako kikita, then  restart my approach.

Next day kina usap ko mga friend ko sa work na may online job at parang interview type ang ginawa ko. Nag tanong ako on how to pass the odesk skill test,  setting the right rate and building up my profile.

At first di ko alam saan mag i start but I took a slow approach..  then something good happen.. 
After applying with a decent profile then the good part came… nakakatawa kasi ang objective ko
Is to have an experience first or magkaroon muna ng good feedback para mas mapa ganda ko pa profile page ko.

One of the job post replied with my application. Ang title ng task is fblikes831 – so ang job task is mag pa like ng facebook  page niya.. nag deal agad ako kahit napaka mura ng bayad saken  I started with a fixed $1 per  100 likes… Oo as in 1 dollar lang, alam ko mura masayado pero I’m sticking with our deal na bibigyan niya ako ng good feedback after this at yun ang mas mahalaga.

Alam ko na ito ang magiging umpisa ng mas mahabang working experience ko as a freelancer on odesk.
Inayos ko ang report ko dito at pinag puyatan ko para matapos ko ng isang araw…

Na kwento ko rin sa mga ka workmate ko about the job. Nung una pinag tawanan ako kasi nga naman 1 dollar lang ibabayad saken halos 45 pesos ang katumbas iyon nung time na yon. 

Nang matapos ko ang task na un agad agad binayaran niya ako.. at biniyan ng 5 star feedback (which is the highest feedback)

 napaka sarap ng feeling pag makikita mo ung pinag hirapan mo, kahit mababa lang iba parin yung pakiramdam ng nakapag papasok ka ng pera kapalit ng pag pa palike sa facebook.. dati nag ba browsing ako ng halos 2 oras para lamang mag check ng aking profile at kung sinu sinung homepage..

Pinakita ko sa asawa ko yung unang earning ko, syempre alam ko na magiging reaksyon niya pag nakita nyang 1 dolyar lang… well wala akong magagawa kung negative sasabihin niya.

Buti na lang hindi at naging napaka supportive niya sa akin. Halos hindi ako makatulog nung gabing iyon kasi nag lalaro sa isip ko mga possibility upang mapataas ko pa  ang earnings ko sa odesk.

Eto ang unang kita ko sa Odesk.

 
($0.90 lang pla nataggap ko! Kahiya naman.. yung $0.10 is for odesk fee.  10% kasi sila every contract mo)


Eh ngayon masasabi ko na posible pala tlaga pag kakitaan ang internet na to’

Hindi natapos ang problema syempre!

Ngayon may pera na ang account ko. Eh pano kung gusto ko pala siyang I withdraw.
Checking on withdrawal methods ang pinaka pinaka murang way para ma receive mo ang earnings mo is through “local fund transfer” through our local bank here in the Philippines.


Ang napili kong bangko is bank of the Philippines island mas kilala sa tawag na BPI.
Meron kasi silang BPI easy saver account na sa halang 200 pesos lang pwede kana mag open ng atm account sa kanila at walang maintaining balance.

For more details pwede mo ng bisitahin ang page na to para sa easy saver account https://www.mybpimag.com/index.php?option=com_content&view=article&id=899&Itemid=1056

Syempre hindi ko muna ni withdraw ung $0.90 (para inspirasyon ko pag nakikita ko sa wallet tab), nag take pa ako ng mga odesk skill test para mapa taas ang profile completeness percentage ko, inayos ko ang mga cover letter sa pag a apply sa mga job post. (nag set ako ng mga cover letter para sa mga iba’t ibang klase ng job post, para copy then paste na lang)

Lagi pa rin akong nakakatanggap ng mga declined message sa email ko.
Pero na ngangahulugan lang yun ng marami pa akong dapat gawin upang pag butihan ang pag a apply ko.

Ngayon halos may 1,247 hours na ako nag wo work sa odesk. medyo maliit pa din ito kumpara sa mga mas malawak at mas matagal na sa odesk saken. Kumikita ako ng halos 5k a month para lang sa account ko yan.. at take note may day job din ako bilang data encoder!

As of now may 3 computers na ako na pang odesk lang.. balak ko na kasi ng mag set ng agency (agency sa odesk na kung saan may team ka na para sa mga job task ng client) hindi lang ako ang nag o odesk sa pamilya namin ginawa ko na rin ng account ang asawa , kapatid ko at mga friends ko. At lhat sila kumikita..

Ang balak ko this year or next year is mag full time na. Eh panu ba naman kasi ung iba na ka workmate ko nag resign na at nag full time, at may kumikita na sa kanila ng 15+K a month,

Sinu ba naman ang ayaw kumita ng walang boss, pag kagising mo ng umaga pwede ka ng mag start ng work kahit hindi ka pa nag to toothbrush!

Sa umpisa magiging positive ka at mag ra rush sa pag a apply.. magandang sign iyon, ngunit darating din ung time na makaka receive ka ng mga declined sa mga na applyan mo. WAG na WAG kang pang hihinaan kasi part yun ng realidad na hindi madali mka kuha ng kontrata.

Ang mabibigay kung advice is:

-Set your hourly pay rate as low as possible (pero wag naman sobrang low na ma de degrade ang skill mo)
-Take as much odesk skill test as possible ( tinitingnan kasing factor ng mga client and aspect na to)
-fill up your profile as honestly as possible (tell them kung saan ka magaling wag mag pretend, be yourself)
-and create good cover letter  hindi nila kailangan ng mahaba at elaborated na cover letter (direct to the point, tell them what set you apart from thousands of contractors)
-eto ang last advice ko at naging hobby ko na rin everytime na nag a apply ako sa mga job post. I tell them
“I am looking forward to be part of your team” lam ko simple lang yan pero simula ng mag start ako hindi nawawala yan at the end of my cover letter.

Isa pa lang to sa mga paraan para kumita sa internet.  Ang salitang trabaho or work ay hindi na ngangahulugan ng dapat nasa labas or opisina para masabi na may pinag kakakitaan kang pera.

Sa panahon ngayon na kung saan ang daming resources para maging paraan upang makapag bigay ng serbisyo  tulad ng pag a out-sourcing sa mga client.

 Isang  paraan na ang pag free freelancing through odesk…

Pag kakitaan na yang internet connection mo kahit 3 oras lang sa isang araw!


Maaari kayong mag tanong sa akin tungkol sa topic na ito…
Nais kong matulungan mga kapwa ko na nangangailangan ng “other source of income”
-micay82@gmail.com





-micmat
https://www.facebook.com/mico.icmat